Monday, July 28, 2014

Huling Paalam

Ngayong nagpaalam na, hindi alam kung san magsisimula
Mga alaala'y muling nagbabalik
Sa twing nasasabik sa yakap mo't halik

Kung mapagbibigyan lang ng Maykapal
Ang makita kang muli ang tanging dinarasal
Mailap mang mangyari ay umaasa parin
Nagbabakasakaling mapagbigyan ang hiling

Hindi man nagkasundo at madalas nagkatampuhan
Ika'y minahal at mamahalin pa magpakailanman

Hindi rin man naging maayos ang ating huling sandali
Ito'y itatago at isasantabi hanggang sa tayo'y magkita muli

Sa ngayon siguro, masaya't kuntento ka
Sa bago mong tahanang paraiso sa ganda
Isa lang ang pakiusap, kung pwede lang sana

Mga pinagdaanng away ay kalimutan na
Mga mapapait na salita ay itapon na
Masasayang napagsamahan nalang ang tandaan
Lalo na ang mga ngiting bihira kong nasulyapan

No comments:

Post a Comment