(365 days of writing prompts)
Itatagalog ko ba o isusulat sa English?
Anong paraan ang mas mabisa sa pag-penetrate ng manhid?
Pang-seryosohan na ba o tamang lihim pa sa barkada?
Love story ba na mas makulay pa sa crayola?
Paano ba binobroadcast ang tibok mula sa puso?
Di pa ba halata tuwing nakatingin ako sayo?
Kailangan siguro yung pang mic drop na sabay sa uso
O kailangan siguro yung parang sa Harana ni Chito
Hahayaan muna mapagod yung iba
Bago ako pumila at magpresenta
Isang beses, nabakante yung pila
Walang nakikisiksik, walang kompitensya
Eto na yun, oras ko na.
Mali siguro pero inisip ko agad na may pag-asa
Kaso hindi padin tinablan kahit anong atake ko
Wala talagang mas titibay pa sa wall of friendship mo
Syempre sawi, syempre talo
Syempre walang magawa kundi maging okay sa sulok
Sabi nga nila, “Can’t have it all.”
Pero ang hidden message dun, “Bawal ma-fall.”
Hindi siguro ikaw ang tamang tao
Hindi rin ako ang tamang sasalo
Hindi pa ito ang tamang panahon
Pa-return to sender nalang nung mga piraso ng puso sa kahon
Disclaimer: I don’t choose the titles. They are generated randomly.
(as cringing as this is for me, it had to be done)
No comments:
Post a Comment